Monday, January 4, 2016

Kulturang Pinoy Tatak Tarlaqueña



KULTURANG PINOY TATAK TARLAQUENA



"Ating tangkilikin ang sariling atin."wika nga ni Ginoong Rizal na siyang naging dahilan nang pag-unlad at pag-asenso ng ating pinag-mulan. Ang bayan ng TARLAC.
Ang probinsya ng Tarlac ay isa sa pinag-mamalaking lugar sa pilipinas dahil sa angking pag-kanatural, pag-kamalikhain at pag-kakaroon ng pag-kakaisa ang bawat mamamayan.


Kultura at tradisyon ang pinaka-sentro ng Tarlac.Mayaman ito sa iba't-ibang kultura.
Narito ang iba't-ibang uri ng mga paraan kung papano ipinag-diriwang ng mga Tarlaceno ang MELTING POT FESTIVAL...

Iba't-ibang sayaw na sumasalamin sa kung anong pinag-daanan at kulturang pilit itinaguyod para tumagal ang ilan sa mga katutubong pag-diriwang na mag-pasahanggang ngayon ay patuloy na idinadaos sa iba't-ibang parte ng Tarlac.Nar'yan ang mga kolorete at iba pang palamuti para mas magandang idaos o isayaw ang mga katutubong sayaw.Katulad na lamang ng  kawayan, dahon ng mais, palay, tubo,at iba pang maaring mag-paganda at mag-pakulay sa aktibidad



Kahit pa nagiging moderno na ang Tarlac, 'di pa rin nakakalimutan ng mga mamamayan nito ang i-celebrate ang mayamang kultura na sumasalamin din ng pag-kapilipino ng lahi natin.Ipinagdiriwang ito para bigyang pugay ang mga unang nanirahan sa lalawigan na tinatawag nating mga Aeta.sila ang nag-payaman sa lupain at nag-bigay kulay sa ating probinsya .Ang festival din ay nag-bibigay daan upang mas makilala pa ang ating mga produkto.


Nag-simula sa isang alaala hanggang sa naging Tradisyon at Kultura. Ang mga ninuno nating nag-pahalaga ng sobra.At ng nailipat, naisalin at ngayon ay tinatawag ng mga TARLAQUEÑA na MELTING POT FESTIVAL,MABUHAY KA PILIPINO!